HINIMOK nina Deputy Speaker Raneo Abu at Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ang publiko na mag-relax lang muna sa mga nararanasang epekto ng mataas na inflation rate gayundin sa implementasyon ng TRAIN Law.
Hinikayat ni Batocabe ang publiko na tumulong din sa pag-aambag kung paano sosolusyunan ang epekto ng inflation tulad ng paghihigpit ng sinturon.
Inihalimbawa ni Batocabe na isa sa puwedeng gawin ng mga tao ay ang pagtitipid ng bigas na napakamahal pa naman ang pre-syo.
Sinabi nito na kung hindi naman kayang ubusin ang one cup rice ay magkalahating tasa ng kanin na lamang nang sa gayon ay hindi naaaksaya ang bigas.
Ayon naman kay Abu, kaunting pagtitiis at mararamdaman din ng publiko ang gains o ginhawa ng ‘safety nets’ na nakapaloob sa TRAIN Law gayundin ang rice tarrification.
Aniya, hindi naman nagpapabaya ang gobyerno para tugunan ang problema sa inflation at ang problema sa mataas na presyo ng bigas.
Dapat aniyang maintindihan na bago pa lang naman ang batas at tiyak sa susunod na taon ay mararanasan din ang kaginhawaan. CONDE BATAC
Comments are closed.