PUBLIKO PINAGPAPAREHISTRO SA LIBRENG COVID-19 VACCINES

HINIKAYAT ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano.

Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net at i-click ang “Vaccination Registration” button. Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung wala pang ValTrace account, mag-register.

Sagutan ang online form at mag-upload ng larawan ng anumang go­vernment -issued ID.
Ang kasunod na hakbang ay pindutin ang checkbox bilang pagsang-ayon sa “Privacy Notice and Data Privacy Consent” at i-click ang “Submit.”

Susuriin ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang aplikasyon at tatawag o magpapadala ng email upang ipaalam ang iskedyul at lugar ng pagpapabakuna.

Nasa 18 taong gulang pataas lamang ang maaa­ring bigyan ng bakuna. EVELYN GARCIA

Comments are closed.