(Publiko pinakalma) ASF HINDI BANTA SA KALUSUGAN

baboy

NILINAW ni Health Secretary F r a n c i s c o Duque III na walang dapat na ipangamba ang publiko sa African swine flu (ASF), na tumatama sa mga alagang baboy dahil wala naman itong banta sa kalusugan ng tao.

Ang pahayag ay ginawa ni Duque matapos na kumpirmahin nitong Lunes ng Department of Agriculture (DA) na 14 sa 20 sample ng dugo ng baboy na sinuri nila ay positibo sa ASF.

Ayon Duque, walang dapat na ikatakot ang publiko lalo na kung ang karne ng  baboy ay binili sa kilala at mapagkakatiwalaang tindahan at nilutong mabuti.

“We want to allay the fears of the public by saying that, as long as pork is bought from reliable sources and it is cooked thoroughly, pork is safe to eat,” anang kalihim.

Ayon sa World Organization for Animal Health, ang ASF ay isang severe at highly contagious viral disease sa mga alaga at wild pigs.

Kumakalat umano ang virus sa mga baboy kung ang isa rito ay nagkaroon ng direct contact sa infected na baboy o nakakain ng contaminated na karne nito.

Nabatid na ang mga baboy na infected ng ASF ay nakararanas ng mataas na lagnat, kawalan ng gana sa pagkain, pamumula ng tainga, tiyan, at binti, pagsusuka at diarrhea na maaaring mauwi sa pagkamatay.

Sa ngayon ay wala pa umanong bakuna o gamot kontra sa ASF.

Madali rin umano itong maipasa kaya’t pinapayuhan ang mga hog raiser na huwag magpakain ng hindi gaanong luto na pakain sa mga baboy at dapat na ihiwalay ang mga may sakit na baboy mula sa ibang alaga.

Dapat din umanong ugaliin na maghugas ng kamay pagkagaling sa farm o palengke at hugasan ang sapatos, o gulong ng sasakyan kung galing sa pig farm.

“We want to reiterate to the public that ASF is not a threat to human health,” dagdag pa ni Duque. ANA ROSARIO HERNANDEZ

PUBLIKO PINAKALMA NG PALASYO

WALANG dapat na ikabahala ang publiko sa pagpositibo ng mga kaso ng African swine fever (ASF) sa mga baboy sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may ginagawa nang kaukulang hakbang ang Department of Agriculture para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

“I think there is no need to worry considering that the DA secretary has not cautioned us not to avoid or not to eat, or to avoid,” wika ni Panelo.

Tiwala si Panelo na competent si Agriculture Secretary William Dar na matutugunan ang sitwasyon.

“Just like any other sudden foreign disease that affects the swine industry, the DA will undertake the measures necessary to secure the public for the safety. That’s SOP (standard operating procedure),” giit ni Panelo.

Aminado si Pane­lo na ang pinakaresonableng gawin sa ngayon ay iwasan muna ang pagkain ng baboy tulad ng kanyang ginagawang pag-iwas sa pagkain ng baboy.

“Well, me, I am avoiding it but this morning I ate. But we have to wait for the circulars or information to be coming from the DA to tell us exactly what we have to do. Those who are in the eating business which is a daily habit for all of us,” dagdag pa ni Panelo. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.