HINDI dapat na mag-panic ang publiko sa pagpasok ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Professor Guido David ng UP OCTA-research team, pareho lamang kasi ang behavior ng bagong variant ng COVID-19, sa unang coronavirus disease, ngunit mas mabilis lamang itong makahawa.
Dahil dito, sinabi ni David na dapat na sumunod ang publiko sa mga pinaiiral na health protocols upang makaiwas sa panganib na mahawa pa ng COVID-19.
Matatandaang nito lamang ika-13 ng Enero nang kumpirmahin ng Department of Health ang pagpasok ng UK variant ng COVID-19 sa Filipinas.
Agad na nagpositibo ang lalaking pasyente sa new variant ng COVID-19 ngunit negatibo ang kasama niyang bumiyahe sa Dubai.
Pawang naka-isolate na ang mga ito maging ang kanilang mga kapamilya.
Comments are closed.