PUBLIKO PINAKALMA SA BUBONIC PLAGUE

ATTY HARRY ROQUE

SELYADO ang mga border ng Filipinas dahil sa travel restrictions na ipinatutupad ng gobyerno dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque kasabay ng pagpapakalma sa publiko  sa kumakalat sa internet na sakit  mula sa  China na bubonic plague.

Ayon kay Roque, hindi binabalewala ng  gobyerno ang naturang sakit. “Sineseryoso po natin ‘yan,  pero huwag po kayong mabahala dahil ang pagpasok naman ng mga dayuhan sa Pilipinas (sic)  ay hindi pa po pinapayagan ng malawakan, case to case basis lang po. So sarado pa po ang ating mga borders bagama’t puwedeng mag-request on an individual basis ‘yung mga merong valid na dahilan para pumunta ng Pilipinas (sic). So sarado pa po ang ating mga borders at wala po tayong dapat ikabahala.”

Ang bubonic plague ay isang uri ng impeksyon sa lymphatic system dulot ng bacterium Yersinia pestis. Naipapasa ang bacterium sa pamamagitan ng flea bites at infected animals.

Ang sintomas ng sakit ay lagnat, ubo, panginginig at masakit na lymph nodes. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.