PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na tiyaking mabuti ang pagkakaluto ng karneng baboy.
Kasunod na rin ito ng kompirmasyon ng Department of Agriculture (DA) na apektado na rin ng African Swine Fever (ASF) ang ilang mga alagang baboy sa bansa.
Binigyang-diin naman ni Health Secretary Francisco Duque III na walang dapat ipangamba ang publiko sa pagkain ng karneng baboy dahil hindi mapanganib sa kalusugan ng tao ang ASF.
Pinayuhan din ng DOH ang hog raisers na huwag pakainin ng mga hilaw o hindi maayos na pagkakaluto ng mga produktong karneng baboy ang kanilang mga alaga.
Comments are closed.