DAHIL sa benepisyo ng tree planting, nanawagan si Senadora Cynthia A. Villar sa publiko na makiisa sa pagtatanim at pangalagaan ang mga halaman.
Bukod sa nagiging maganda ang kapaligiran, binanggit din ni Villar ang komento ng environmentalists sa buong mundo na mabuti ang mga halaman sa soil and water conservation.
“It helps prevent land erosion, intercept the runoff and reduce the severity of floods, increase wildlife habitat, store carbon dioxide that help in reducing global warming, moderate local climate by providing shade, regulate temperature extremes and improve the land’s capacity to adapt to climate change,” sabi pa Villar base sa pahayag ng environmentalists.
Sa pagtatanim ng agricultural products, iginiit niya na nagbibigay ito ng hanapbuhay sa ating mga magsasaka.
“It also strengthened food security in communities in our country,” sabi pa ng chairperson ng Senate committees on agriculture and food and environment and natural resources.
Kumpiyansa rin siya na pananatilihin ng publiko ang malulusog na punong kahoy at iba pang halaman.
Bilang masugid na advocate ng kapaligiran at agrikultura, sinabi ng senador na masaya siya na lumahok sa planting activities.
Ipinagmalaki niya na ang kanyang pamilya at ang Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ay naglunsad ng mga aktibadades sa pagtanananim sa kanilang homecity- Las Piñas.
Noong 2005, sinimulan nila ang pagtatanim ng kawayan sa riverside ng Zapote River bilang bahagi ng kanilang programang “Sagip Ilog River Rehabilitation Program”.
Ang Tree-Planting Activity sa 5th District ng Iloilo ay pinangunahan ni Cong. Boboy Tupas Theme: “Kaupod sa Pag-asenso ang Pag-ulikid sa Duang Manggad” (“Together in our progress is to give care to natural resources”). VICKY CERVALES