PINARE-REVIEW ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong sa Kongreso ang Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010.
Ayon kay Ong, sa magkakasunod na lindol sa Mindanao ay kinakitaan ng kawalan ng kahandaan ang mga tao at ang mga awtoridad sa aspeto ng evacuation procedures at emergency response protocols.
Binigyang-diin pa ng kongresista na marami nga tayong drills na ginagawa pero kapag nariyan na ang aktwal na sakuna ay nagpa-panic at hindi na alam ang mga susunod na gagawin.
Dahil dito, hiniling ni Ong sa inihaing House Resolution 256 na i-review ang lawak ng disaster risk reduction at management education.
Aniya, hindi lamang dapat nalilimita sa apat na sulok ng silid-aralan ang pagtuturo ng disaster risk reduction and management education at mahalaga ring maituro sa bawat pamilya at sa mga komunidad.
Dapat aniyang maituro sa publiko ang basic life-saving, disaster survival at management skills sa anu-mang uri ng kalamidad at iba pang disaster adaptation at preparations. CONDE BATAC
Comments are closed.