NEGROS OCCIDENTAL – NAIBALIK ng mga pulis ang isang preso na tumakas kamakailan sa Escalante City.
Sa ulat, si Perlito Sico ng Purok Paglaum, Barangay Balintawak, Escalante City ay nakatakas sa Bureau of Jail Management and Penology noong Oktubre 16 ng gabi matapos nitong akyatin ang pader ng kulungan sa Sagay City.
Pahayag ni Police Major Antonio Benitez, hepe ng Sagay City Police Station, humingi sa kanila ng tulong ang BJMP Escalante matapos mamataan sa lungsod si Sico.
Dahil dito, nagsagawa ng dragnet operation ang Sagay City Police Station at nakita si Sico sa Agila St., Barangay Poblacion, alas-7:40 ng umaga noong Miyerkoles.
Hindi naman nanlaban pa ang pugante nang hulihin ito ng mga pulis.
Agad namang itinurn-over sa BJMP Escalante si Sico.
Ang escapee ay humaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act at violation ng Comelec gun ban. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.