QUEZON – BALIK sa rehas ang isang takas na bilanggo matapos itong masakote ng pinagsanib na puwersa ng mga miyembro ng 85IB Philippine Army, Jomalig PNP at San Francisco PNP sa pamumuno ni PCPT Lope Liwanag III sa kanyang pinagtataguang bahay sa may Brgy.Cawayan 2, bayan ng San Francisco.
Nakilala ang suspek na nadakip na si Michael Dela Cruz, 28-anyos, residente ng Brgy.Talisoy, Jomalig,Quezon na may kinakaharap na kasong at-tempted homicide.
Base sa report ni Police Captain Liwanag III, tumakas mula sa kulungan ng Jomalig PNP si Dela Cruz noong March 20, kasama ang kanya inmate na si Gerald Balce, na may kaso namang rape na kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga pulis.
Ayon pa rin kay Liwanag, nilagare ng dalawang bilanggo ang rehas na bakal ng kulungan at doon dumaan patakas ang mga suspek.
At sa tulong ng mga barangay official at mga residente sa lugar ay agad natunton ang pinagtataguan ng takas na si Dela Cruz. BONG RIVERA
Comments are closed.