NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport nitong Enero 5.
Ayon kay Dennis Alcedo, Head ng BI Border Control and Intelligence Unit, kinilala ang dayuhan na si Chen Yiye, 48-anyos na tinangkang umalis patungo sa China via China Southern flight sa NAIA Terminal 1.
Base sa kanyang record, ang kanyang pangalan ay kasama sa BI blacklist at may deportation case noong pang 2017.
Ang dayuhan ay nasa bansa na isang retiree at na-report na inaresto noong Agosto, 2016 sa Angeles City, Pampanga dahil sa pagdadala ng 36.58 kilos ng shabu na may street value na P100 milyon.
Pinuri naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pagkakasabat sa dayuhan.
“These fugitives have no place in our country,” ayon Tansingco. “Hence he will be deported, and with his name included in our blacklist, he will be barred from returning to the Philippines,” dagdag pa nito.
Si Chen ay nasa kustodiya na sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig habang inaayos ang kanyang drportasyon.
PAUL ROLDAN/FROILAN MORALLOS