ILOILO- INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa lalawigang ito ang puganteng Hapon na wanted sa Tokyo, bunsod sa pagkakasangkot nito sa kasong robbery, extortion at telecommunications fraud.
Kinilala ang suspek na si Yohhei Yano, 43-anyos na nadakip ng BI operatives nitong Enero 17 sa Guimbal Port sa Iloilo.
Nasakote si Yano sa tulong ng Japanese Authorities na nagturo sa kinaroroonan nitong suspek.
Ayon kay BI-FSU Chief Rendel Ryan Sy si Yano ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest na inisyu ng summary court ng Yakkaichi sa Japan noong Agosto ng nakaraang taon .
Si Yano ay pansamantalang nakakulong sa BI Warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin pa ang deportation order nito Mula sa BI Board of Commissioners. FROILAN MORALLOS