PUGANTENG KOREANO NASAKOTE

TULUYANG nalambat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang pugante mula sa South Korea na wan­ted ng awtoridad sa Seoul dahil sa pandaraya sa kanyang kababayan limang taon na ang nakakaraan.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang wanted na si Kim Dong Woo, 49-anyos na inaresto sa Las Pinas City ng mga opeatiba ng Bureau’s Fugitive Search Unit (FSU).

Ani Morente, pauuwiin na si Choi sa Korea upang harapin ang kanyang mga kaso matapos lumabas ang summary deportation na inisyu ng BI Board of Commissioners.

Ayon naman kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, si Kim ay maituturing nang isang undocumented alien kaya binawi na ng South Korean government ang kanyang pasaporte.

Sa record, si Kim ay matagal ng pinaghahanap ng kanilang gobyerno matapos itong lumipad patungong Pilipinas noong 2018 upang takasan ang kanyang mga kaso na isinampa laban sa kanya.

Sa BI’s Interpol database, lumalabas na noong 2015 ay inengganyo ni Kim ang isa sa kanyang kababayan na pahiramin siya ng 65 million won, o halos US$58,000 para sa kayang ilegal na negos­yo at pinangakuang babayaran ito ng 20 percent interest subalit, tumakas ito patungong Filipinas nang nalaman na kinasuhan siya.

Ang Korean national ay pansamantalang nasa kustodiya ng BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City. PAUL ROLDAN

4 thoughts on “PUGANTENG KOREANO NASAKOTE”

  1. 130760 134582Hey! Im at work surfing about your weblog from my new apple iphone! Just wanted to say I enjoy reading through your weblog and appear forward to all your posts! Maintain up the outstanding work! 662357

Comments are closed.