PAMPANGA- INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) ang matagumpay nilang pagkaka-aresto sa isang puganteng South Korean national sa Clark International Airport.
Ito ay pinaghahanap ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot nito sa kasong telecommunications fraud.
Sa ulat na inilabas ng BI, kinilala ng border control and intelligence unit BI ang suspek na si Lee Seunggon, 35- anyos.
Naharang si Lee sa Clark International Airport bago makaalis sakay sana ng isang flight patungong Incheon.
Ayon sa Boarer Control and Intelligence Unit, hinarang nila ang lalaki matapos na matukoy na ang pangalan nito ay wanted sa kanilang bansa.
Kabilang din ang pangalan nito sa wanted list ng BI.
Nagsampa ng kasong deportation laban kay Lee ang BI noong Hunyo ng nakaraang taon dahil sa pagiging undesirerable alien nito. EVELYN GARCIA