PUHUNAN SA NEGOSYO

DOLE-PUHUNAN

NASA P20,000 hanggang P1 m­ilyon na puhunan ang ipagkakaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga nais magsimula ng negosyo sa ilalim ng Integrated Livelihood Program o ‘Kabuhayan Program’ ng ahensiya.

Ang isang indibidwal na nais magsimula ng maliit na negosyo ay maaaring pagkalooban ng P20,000 na puhunan, habang P250,000 naman ang matatanggap ng mga organisadong grupo na may 15 hanggang 25 miyembro na magtutulong-tulong sa isang livelihood initiative.

Aabot naman sa P500,000 ang maaaring alok sa mga grupong may 26 hanggang 50 miyembro, at P1 milyon sa mga grupong may higit 50 mi­yembro.

Ayon kay Ma. Karina Perida Trayvilla, direktor ng Bureau of Workers with Special Concerns, noong nakaraang taon ay mahigit sa 80,000 benepisyaryo ang nabiyayaan ng programa.

“Tayo po kasi ay proposal tendering so first-come-first-serve basis. Dapat masipag tayo kaya hina-heighten natin ‘yung level of awareness ng public na mayroon tayong ganitong livelihood i-avail natin,” ayon kay Trayvilla.

Samantala, isang website ang inilunsad ng DOLE para matulungan ang mga benepisyaryo ng programa na magbenta ng kanil-ang mga produkto.

Kasalukuyang pinupunan ang naturang website ng iba’t ibang produkto na maaaring mabili online.

Para sa mga interesado, maaaring magtungo sa mga regional office ng ahensiya o sa pinakamalapit na Public Employment Service Office sa kanilang  lugar.

Comments are closed.