PINAPAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang mga ospital sa bansa na hindi nila maaaring tanggihan ang mga pasyenteng may sintomas ng 2019-novel coronavirus.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, kailangan tanggapin ng mga level 2 at level 3 licensed hospital ang mga pasyente gayong may kakayahan ang mga ito para i-isolate at i-treat ang infectious diseases.
Aniya, mas magiging mataas ang banta ng infection kapag inilipat ang pasyente sa ibang medical facility.
Samantala, nasa 31 na ang persons under investigation (PUI) sa bansa.
Kaugnay nito, umapela ang Malakanyang sa publiko na iwasan ang ‘discrimatory behavior’ sa gitna ng coronavirus scare na nangyayari sa bansa.
Ani Presidential Communication Secretary Martin Andanar, hindi dapat maging mapagmataas sa ating kapwa pati na sa ibang mga lahi.
Iginiit pa nito, walang basehan na matakot tayo sa isa’t isa at agad na ikondena ang ating kapwa dahil lang sa pangambang baka mahawaan ng virus.
Kaugnay nito, nanawagan si Andanar sa lahat na manatiling kalmado at maging mahabagin habang ginagawa ng pamahalaan ang lahat para hindi kumalat ang nabanggit na sakit. DWIZ 882
Comments are closed.