KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na isa pang person under investigation (PUI) ang pumanaw.
Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Maria Rosario Vergerie, ang 71 taong gulang na PUI ay mula sa Ilocos Region at pumanaw kamakalawa.
Iginiit rin nito, na nagnegatibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang pasyente, at namatay ito sa cardiovascular attack.
Isinailalim lamang ito sa monitoring dahil sa kanyang mga sintomas na kapareho sa COVID-19.
Gayunman, lumabas naman sa resulta na negatibo ito sa naturang virus.
Comments are closed.