PULIS, 1 PA DEDO SA ROAD MISHAP

CAVITE – PATAY ang 37-anyos na pulis at isang factory worker makaraang sumemplang ang kani-kanilang motorsiklo sa naganap na magkahiwalay na road mishap sa Bacoor City at bayan ng Tanza sa lalawigang ito noong Linggo ng gabi.

Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, kinilala ang mga biktima na sina Corporal Lester Cruz y Ugay, nakatalaga sa Muntinlupa CPS, residente ng Phase 4 Tierra Nevada, Brgy. San Francisco, General Trias City, Cavite at Eric Bagara y Nacuray, 24-anyos ng Brgy. Bagbag 1, bayan ng Rosario, Cavite.

Ayon sa police report, nagmomotorsiklo si Cruz sa kahabaan ng Daang Hari Road sa Brgy. Molino 4, Bacoor City patungong Las Pinas City nang biglang huminto ang yellow multicab para magsakay ng pasahero.

Iniwasan ng pulis ang multicab subalit sumemplang ang kanyang motorsiklo at nagpagulong gulong sa kalsada kung saan nagtamo ito ng malubhang sugat.

Naisugod pa sa South City Hospital and Medical Center si Cruz subalit idineklarang patay na ito.

Habang patay din ang biktimang si Bagara nang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa concrete barrier ng Antero Soriano Highway sa Brgy. Capipisa, bayan ng Tanza, Cavite.

Naisugod pa sa San Lorenzo Hospital sa bayan ng Naic ang biktima subalit idineklarang patay din ito. MHAR BASCO

11 thoughts on “PULIS, 1 PA DEDO SA ROAD MISHAP”

  1. 836390 962507Its not that I want to duplicate your internet site, but I truly like the style. Could you tell me which style are you using? Or was it custom made? 785860

  2. 450716 938913I discovered your blog website on google and appearance a few of your early posts. Keep up the superb operate. I simply extra the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking for forward to reading far more on your part later on! 60861

Comments are closed.