PULIS, 11 PA NAAKTUHAN SA PAGSINGHOT NG SHABU

SHABU USER

NAVOTAS CITY – ARESTADO ang 12 katao kabilang ang isang pulis sa anti-illegal drug operation ng Northern Police District (NPD) kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas City Police chief Sr. Supt. Brent Milan Madjaco, si PO2 Michael Del Monte, 42-anyos, nakatalaga sa Caloocan city police at residente ng 1614-B Herbosa St, Tondo, Manila ay kabilang umano sa siyam na drug personalities na naaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu.

Alas-11:30 ng gabi nang  ikasa ang operasyon ng Navotas City police, District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Special O­perations Unit (DSOU) sa pangunguna ni Insp. Danilo Songalia ay nadakip ang iba pang mga suspek.

Narekober sa mga inaresto ang 20 sache ng shabu  na nasa 40 gramo, service firearm ni Del Monte, buy bust money at mga drug paraphernalia.      VICK TANES

4 thoughts on “PULIS, 11 PA NAAKTUHAN SA PAGSINGHOT NG SHABU”

Comments are closed.