LABINTATLO ang nasawi matapos makaengkwentro ng mga awtoridad ang grupo ng mga inaarestong akusado sa iba’t ibang kaso sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Iniulat ni Major Esmael Madin, hepe ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Maguindanao na maghahain sana ng warrant of arrest ang mga pulis kay Datu Pendatun Adsis Talusan, dating kapitan ng Barangay Limbo at limang iba pa dahil sa mga kasong frustrated murder, robbery with murder, at double frustrated homicide.
Sa halip na sumuko, nagpaputok ang mga suspek hanggang sa tumagal ng limang oras ang barilan.
Patay sa sagupaan si Sergeant Reynel Pido ng CIDG habang 12 naman sa panig ng kalaban.
Comments are closed.