MISAMIS OCCIDENTAL – KULONG ang isang pulis at apat na kawani ng gobyerno dahil sa pagsusugal sa loob ng isang sabungan sa Brgy. Lam-an, Ozamiz City.
Pinangungunahan mismo ni Ozamiz City Police Office commander, Police Maj. Jovie Espenido ang operasyon kung saan aabot sa 430 sabungero ang kanilang nahuli na kinabibilangan ng 15 menor at 63 na ka mga senior citizens.
Ayon kay Espenido, hindi titigil ang kanilang grupo sa paghuli sa mga tao na sangkot sa illegal gambling.
Una nang binalaan ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga kapulisan na iwasan ang pagtungo sa mga casino o sugalan.
Iginiit nito na hindi siya magdadalawang isip na tanggalin sa puwesto ang mga pulis na sangkot sa illegal gambling.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 6 ng Malacañang, ipinagbabawal ang pananatili, pagpasok, at paglalaro sa casino ng mga opisyal ng gobyerno, mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines, at mga indibiduwal na 21 taong gulang pababa. AIMEE ANOC
Comments are closed.