DAVAO DE ORO- ACCIDENTAL fire ang nangyaring pagputok ng baril ng isang aktibong kasapi ng Police Regional Police XI na maging sanhi ng sa pagkamatay ng isang dumadaang sibilyan.
Gayunpaman, sinibak na sa serbisyo ni PNP- PRO XI Spokesperson Police Major Atty. Eudisan Gultiano si Pat. Ryan Domenise ang suspek na sinasabing aksidenteng nakabaril at napatay sa isang sibilyan sa Maragusan Sports Complex sa Davao de Oro.
Naisampa na rin ang kasong reckless imprudence resulting to homicide, base sa imbestigasyon na isinagawa ng Maragusan Municipal Police Station.
Maliban dito, nahaharap din sa kasong administratibo si Domenise na kasalukuyan nang nakakulong.
Nabatid na naka-off duty si Domenise na nakadestino sa New Bataan at namasyal lamang sa Maragusan Sports Complex para sumilip sa ilang tindahan at tiangge.
Subalit nang inilapag nito ang dalang service firearm ay bigla pumutok at nahagip ng bala sa noo ang naglalakad na si Cerbando Hinayon, 58-anyos na napadaan lamang sa lugar ng mga oras na iyon.
Kaagad naman na isinugod sa Davao de Oro Provincial Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival. VERLIN RUIZ