DAVAO CITY – PINAGHAHANAP na ng Sta. Ana Police station ang responsable sa pagpatay sa isang negosyante at pulis na binaril habang nasa loob ng compound sa sabungan ng Aquino Coliseum Gallera, Agdao sa nasabing lungsod.
Kinilala ang mga biktima na sina Jul Vincent Manzanares, negosyante, 26-anyos, binata, residente ng 01 Guiho St., Nova Tierra Village, Davao City, at si Cpl. Kronish Alvaira, 30, ng Purok 2, Brgy Mainit, ComVal.
Ayon sa mga nakasaksi, mataas na kalibre ng armas ang ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa mga biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, nakuha umano sa pag-iingat ni Manzanares ang mahigit P100,000 na pera.
Patuloy ngayon na inaalam ng awtoridad ang nasa likod ng krimen na sinasabing personal na galit umano ang isa sa motibo sa pagpatay sa mga biktima.
Narekober din sa crime scene ang limang basyo ng 5.56 mm na pistola at bala mula sa cal. 19 at 45 pistol na nasa walong basyo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.