CAGAYAN DE ORO- KULUNGAN ang binagsakan ng isang pulis at isang barangay worker nang maaktuhan ng mga awtoridad na gumagamit ng ilegal na droga kamakalawa sa lalawigang ito.
Ang mga nasakote suspek ay kinilalang sina Cpl Dave Nieves, 32-anyos, taga-Brgy. Gusa, at kasalukuyang nakatalaga sa Nazareth Police Station 9 at Jasper Laniosa, 25-anyos, taga-Brgy. Carmen.
Habang patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang target na si Yuriel Merto Roa, 24-anyos na mabilis tumakas makaraang matunugan ang presensya ng pulisya.
Ayon sa pahayag ni COCPO spokesperson Lt Col. Evan Viñas, isinailalim nila sa intelligence monitoring ang mga suspek matapos makatanggap ng ulat hinggil sa paggamit ng ilegal na droga at nang magpositibo ay isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa paglabag sa illegal drugs ang naturang suspek. EVELYN GARCIA