SURIGAO DEL SUR-PATAY ang isang kagawad ng Philippine National Police – Police Regional Office (PNP-PRO-13) nang makasagupa ng mga ito ang isang pulutong ng communist New Peoples Army sa Tandag City sa nasabing lalawigan.
Kinilala ang nasawi na si Pat Jennis Mark Encinas, miyembro ng Class 2016-01 o PINAGSANIB Class na kasalukuyang nakatalaga sa Second Surigao del Sur Provincial Mobile Force Company (2SDSPMFC) .
Idineklarang killed in action si Encinas sa isinagawang combat operation laban sa CPP-NPA sa may Brgy. Buenavista, Tandag City, Surigao del Sur.
Ayon kay Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., Police Regional Office Caraga (PRO-13) director, kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang kanyang mga tauhan nang masabat ang mga rebeldeng grupo na nauwi sa madugong sagupaan.
Ayon kay P/Col. James T. Goforth, pinuno ng Surigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO), patuloy ang kanilang ginagawang pagtugis sa mga tumatakas na NPA. VERLIN RUIZ
Comments are closed.