CAMARINES SUR- MAKARAAN ang isang araw na pakikipaglaban kay kamatayan, pumanaw na ang pulis na nabaril sa isang police operation nitong Huwebes sa Lomeda Subdivision, Brgy. San Felipe, Naga City.
Nakilala ang biktima na si Pat. Ronnie Reveriza, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Naga City Police.
Habang ang namatay na delivery rider ay si Ryan Vargas at ang suspek na Eric Sison na kinalaunan ay nasawi rin engkuwentro.
Batay sa ulat ng Naga City Police, unang nagtungo ang delivery rider sa bahay ni Sison subalit bigla na lang itong bumulagta.
Nagresponde naman si Reveriza na habang tinatanong ang CCTV para malaman kung sino bumaril kay Vargas ay bigla rin itong bumulagta at may tama sa ulo.
Sinabi ni Naga City Police Office spokesperson PSMS Tobias Bongon, dinala ang biktima sa pagamutan upang maoperahan sa ulo .
Ayon sa kaanak ni Reveriza, na-comatose pa ang biktima habang sa Facebook post ng Kasurong PNP Bicol dakong alas- 1:58 ng hapon ay binawian ito ng buhay.
Nabatid na makaraang bumulagta si Reveriza ay agad ikinasa ang Oplan Katok ng PNP na may dagdag tauhan.
Sa gitna ng operasyon ay nanlaban umano ang suspek hanggang nabaril nito sa ulo ang pulis.
Nasamsam sa tahanan ng suspek ang apat na armas na pang-sniper na ang isa ay mayroong telescope at silencer na posibleng ginamit sa pagbaril sa delivery rider at pulis.
Nakakuha rin ang mga pulis ng dalawang kalibre 45.
EUNICE CELARIO