PULIS-GAPO NA NAGPA-PARTY PANANAGUTIN

Jonathan Malaya

TINIYAK kahapon ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) na pananagutin ang pulis na nagpa-party sa Olongapo City.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang larawan ng isang grupo ng mga kalalakihan at kabaihan na masayang nag-iinuman sa party na umano’y inorganisa ng isang pulis sa nasabing lalawigan  nitong Pasko.

Ayon sa ahensiya, siguradong mananagot si Police Cpl. Randy Baldero mula sa Olongapo City na sumuway sa ipinatutupad na health safety  protocols ng gobyerno kaugnay sa nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

“Makakaasa ang publiko na papanagutin natin itong si Police Cpl. Randy Baldero. Iimbestigahan po ‘yan ng ating kapulisan. Kailangan niyang magpaliwanag kung bakit hindi siya sumunod sa mga health protocol ng IATF (Inter-Agency Task Force),” ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Nauna rito, may isang hepe ng pulisya sa bayan ng Dolores sa lalawigan ng Quezon ang sinibak sa puwesto dahil sa paglabag sa pinaiiral na social distancing at health safety protocols kaugnay sa COVID-19.

Sa ginanap na virtual presser kahapon , iniha­yag ni  Malaya na natanggap niya ang ipinadalang larawan ng ginawang pagtitipon sa Labrador Street sa Olongapo City na umano’y inorganisa ni Baldero kung saan ay may isang musmos pa ang nakihalubili sa pagtitipon.

Ani Malaya, maliwanag sa ipinadalang larawan na walang mask at walang face shield at walang social distancing na ipinapatupad doon sa ginawang pagtitipon.

Paliwanag ni Malaya, dapat unang tumugon sa mga ipinatutupad na health protocols ng gob­yerno at magsilbing ha­limbawa ang mga awtoridad. VERLIN RUIZ

8 thoughts on “PULIS-GAPO NA NAGPA-PARTY PANANAGUTIN”

  1. 743048 35666An fascinating dialogue is value comment. I feel that its very best to write extra on this matter, it could not be a taboo topic nevertheless generally people are not enough to speak on such topics. Towards the next. Cheers 577488

  2. 347621 942463This sort of considering develop change in an individuals llife, building our Chicago Pounds reduction going on a diet model are a wide actions toward creating the fact goal in mind. shed weight 882902

Leave a Reply

Your email address will not be published.