BULACAN-ISANG driver ang nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal makaraang pumalag ito at hamunin ng suntukan ang isang pulis na nakatakdang mag-isyu ng Traffic citation ticket dahil sa pagmamaneho ng lasing habang lulan ng pribadong sasakyan nang pahintuin sa check-point sa Barangay Calvario, Meycauayan City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Lt.Col.Bernardo Pagaduan, Meycauayan City police chief,ang naarestong si Wilson Brosas, alyas Noy, 40 at nakatira sa Barangay Duhat, Bocaue na nakapiit ngayon sa City detention cell at nahaharap sa mga kasong kriminal matapos itong magmaneho ng lasing, naging maangas at hamunin ng suntukan ang awtoridad
Naganap ang insidente makaraang pahintuin ng Meycauayan Police ang sasakyan ni Brosas sa police check point sa McArthur Highway, Barangay Calvario, Meycauayan City ngunit nang iisyuhan ng ng tiket ang suspek ay umalma at naging maangas ito dahil sa ispiritu ng alak at hinamon pa nito ng suntukan ang pulis kaya dito na dinakip ang suspek na bukod sa traffic violation ay nakatakda ding sampahan ng mga kasong kriminal. MARIVIC RAGUDOS