PULIS IDINEPLOY NA SA PANGASINAN PARA SA MAY 13 ELECTIONS

pulis

IDINEPLOY na ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang mga tauhan na magbabantay sa bawat bayan at lungsod sa lalawigan para sa nalalapit na eleksiyon.

Karagdagang mahigit 100 pulis ang ipinadala sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa probinsiya na magsisilbing augmentation force na magbabantay sa eleksiyon.

Walang partikular na bilang kung ilan ang madedestino sa kada police station ngunit nakadepende ito sa panga­ngailangan ng himpilan.

Bago naman i-deploy ang mga pulis ay sumalang muna ang mga ito sa drug testing.

Paraan ito para matiyak ng pamunuan ng Pangasinan PNP na malinis at walang sinumang pulis ang sangkot sa ilegal na droga.

Mababatid na apat na lugar sa Pangasinan ang kabilang sa orange category.

Nangangahulugan na ang mga lugar na ito ay may intense political rivalry at posibilidad na gumamit ng armadong grupo ang magkakalaban sa politika. EUNICE C.

Comments are closed.