KORONADAL CITY –ANG imbestigador ng isang police station ang iimbestigahan ng kaniyang kabaro matapos masangkot sa pambubugbog sa dalawang suspek at isang complainant.
Kinilala ang police investigator na si PO3 Jessie Paul Quilala, 36-anyos.
Ang mga nagreklamo naman laban sa kaniya ay sina alyas Bern, 18-anyos; Mamerto Simpao, 38, mga residente ng Barangay GPS; at Lloyd Ortega, 36, taga-Barangay San Jose, Koronadal City.
Nagsasagawa umano ng imbestigasyon si PO3 Quilala sa mga suspek na sina Fabuna at Simpao dahil sa kasong mauling ng mga ito, nang dumating sa investigation room ang biktima ng dalawa na si Ortega.
Dito na raw pinagsusuntok ni Ortega ang dalawa.
Inawat ni PO3 Quilala ang tatlong nagrambolan ngunit hindi umano nakinig kaya naubusan ng pasensya ang police investigator at nabugbog din umano nito ang tatlo.
Sa ngayon kapwa iniimbestigahan ang bawat panig kaugnay sa pangyayari. GELO BAIÑO
Comments are closed.