ABRA – PINABULAGTA ang isang patrolman ng kabarong pulis makaraang maaktuhang kasama nito ang misis sa loob ng inu-upahang kuwarto sa Zone 7 bayan ng Bangued, noong Huwebes ng madaling araw.
Napuruhan ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Patrolman Jay Valdez Tabili ng Bagulin, La Union habang inaresto naman ang suspek na si Patrolman Joseph Langgoyan ng Gumatdang, Itogon, Benguet.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na sumailalim sa Field Training Program (FTP) sa Bangued police station ang suspek kung saan binisita nito ang kanyang misis na si Patrolwoman Jemalyn Langgoyan sa HRH Space Rental nang abutan ang biktima at kanyang misis sa loob ng kuwarto.
Nagdilim ang paningin ng suspek kaya nito pinutukan sa ulo ang biktima habang ang kanyang misis na pulis din ay tinamaan naman sa tiyan kung saan naisugod naman sa Valera Medical Hospital.
Narekober sa crime scene ang isang cal. 45 pistol na kargado ng anim na bala na pag-aari ni Patrolman Langgoyan at ang isang cal. 9mm pistol na pag-aari ni Patrolman Tabili.
Ayon sa mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni Lt. Patrick dela Cruz, narekober din ang basyo ng bala ang cal. 45 pistol at 3 basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek na isinailalim sa tactical interrogation at sasampahan ng kasong kriminal. MHAR BASCO
Comments are closed.