PATAY ang isa sa mga tauhan ng Quezon City Police District matapos tamaan ng sarili nitong baril kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.
Dead on arrival si Insp. Cipriano Gatchalian sa East Avenue Medical Center makaraang tamaan ng bala sa kaniyang pantog.
Alas-8:10 ng umaga kahapon habang nasa QCPD Police Station 10, Brgy. Kamuning si Gatchalian, hepe ng SDEU, at nagpapalit ng damit para umuwi nang pumutok ang kaniyang baril na tumama sa kanyang beywang at nadamay ang pantog nito
Idineklarang patay na ang nasabing pulis ni Dr. Jerome Vergil Paez nang isinugod sa ospital.
Samantala, agad namang ipinagbigay-alam ang nangyaring aksidente sa pamilya ng pulis. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.