MATATANGGAP na bukas, Nobyembre 15 ng mga pulis ang kanilang Year-End Bonus (YEB) at P5,000 cash gift.
Ito ang anunsiyo ni Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. kung saan inilaan ang P8,502,008,690.81 para sa YEB ng mahigit 230,000 police personnel at non-uniform personnel at dagdag CG.
Sinabi ni BGen.Bowenn Joey Masauding, Director, PNP Finance Service ang YEB ay katumbas ng one-month base ng kada personnel at bukod at CG na P5,000.
Gayunpaman, inamin ng PNP hindi buo ang makukuha dahil may tax ito alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion Law (TRAIN) Law (Republic Act 10893) at BIR Regulations 8-2018 at 11-2018 na sakop ang YEB at iba pang bonuses, kasama ang mid-year bonus na lampas P90,000 ay taxable.
Ang year-end tax adjustment ay ina-apply sa lahat ng PCOs ay NUP na may Salary grade 18 Step 1.
Samantala, pinayuhan naman ang mga pulis na naabot ang minimum net take home pay na i- settle sa pamamagitan ng over-the-counter payment scheme ang kanilang unpaid loan/s para sa Nobyembre at Disyembre, 2022 upang maiwasan ang penalties. EUNICE CELARIO