PINAHINTULUTAN na ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan na magpabakuna kung saan sakop ng local government unit ang kanilang tinitirhan.
Ang go signal ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar ay kasabay ng ceremonial vaccination para sa A4 category o mga economic frontliner kahapon.
Hinimok ni Eleazar ang mga tauhan nito na samantalahin na ang bakunang ibibigay sa kanila ng Lokal na Pamahalaan upang maproteksyunan sila laban sa virus.
Paglilinaw nito na agad naman nilang sisimulan ang vaccination para sa mga pulis na nasa A4 category sa sandaling matanggap na nila ang kanilang vaccine allocation mula sa Department of Health (DOH).
Samantala, wala rin aniyang pilitan sa kanilang hanay lalo na sa mga kasamahang hindi pa handa o di kaya’y ayaw talagang magpabakuna.
Sa A4 category kasama na dito ang mga Police Generals.
Sa kabuuan, nasa 15,700 na mga Pulis na ang nabakunahan kontra COVID 19 mula sa A1 category o Medical Frontliners, A2 at A3 Persons with comorbidities.
Sa susunod na mga Linggo, inaasahan na ng PNP ang kanilang vaccine allocation mula sa gobyerno. PMRT
705230 554650Sweet internet site, super style and style , actually clean and use friendly . 187200
493108 735042I like this web web site its a master peace ! Glad I detected this on google . 869348
568770 711356Hey! Do you know if they make any plugins to protect against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any recommendations? 2939