PULIS MAY LEAD NA SA KILLER NG MAG-ASAWANG NEGOSYANTE

killer

PANGASINAN – MAY lead na ang mga pulis sa Lingayen hinggil sa pumatay sa mag-asawang negosyante kamakailan.

Una nang inihayag ng Lingayen Police na mayroon na silang person of interest na tinututukan sa pagpatay sa mag-asawang sina Danny at Priscilla Alimbuyao na residente ng Brgy. Poblacion.

Samantala, hindi na muna nagpaunlak ng panayam ang mga kaanak ng biktima para sa kanilang seguridad.

Inaalam na rin kung may mga kuha ng CCTV camera sa paligid na pinangyarihan ng krimen.

Matatandaang pauwi na ang mga biktima sakay ng motorsiklo nang lapitan sila ng mga suspek na lulan din ng motorsiklo.

Isa sa mga suspek ang kumuha ng bag ng isa sa mga biktima at pinagbabaril sila sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na sanhi ng agaran nilang kamatayan. AIMEE ANOC

One thought on “PULIS MAY LEAD NA SA KILLER NG MAG-ASAWANG NEGOSYANTE”

  1. Does your blog have a contact page? I’m having a tough time locating it but, I’d like to send you an e-mail. I’ve got some suggestions for your blog you might be interested in hearing. Either way, great website and I look forward to seeing it expand over time.

Comments are closed.