PULIS-MAYNILA NIRATRAT SA GAS STATION

pulis

QUEZON CITY – PATAY ang isang pulis na naka-detail sa Maynila matapos tamba­ngan sa harapan ng isang gas station sa lungsod na ito kahapon.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:55 ng hapon sa may Granada St., corner Valencia St., Brgy. Valencia, nang maganap ang pananambang sa pulis na noon ay nakahinto sa nabanggit na lugar.

Kinilala ang biktima na si PMSg Edgar Dulay Morada,  na naka-assign sa OPN-PNCO ng Ermita Police Station (PS-5), ng Manila Police District, nang bigla na lamang itong lapitan ng isang motorsiklo lulan ng dalawang lalaki at pagbabarilin ng backride ng motorsiklo na naka­suot ng helmet at walang habas na pagbabarilin ito hanggang sa bumagsak ang biktima.

Base pa sa imbestigasyon, ang naturang biktima ay kabilang sa listahan ng high value target na sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi naman ni QCPD Director Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., base sa nangyaring insidente, “we condemn and we will exert effort in our investigation to determine and to identify the perpetuation regarding the incident to develop justice.”  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.