AGUSAN DEL SUR – NAPATAY kahapon ang isang pulis sa bayan ng Bunawan nang manlaban umano sa kaniyang kabaro na umaaresto sa kaniya.
Sa ulat, kinilala ito na si Patrolman Jhon Paul Gerida na inaaresto dahil sa umano’y pagbaril niya kay Lt. Col. Rex Lomente noong Biyernes.
Nagkasa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban kay Gerida, na tumakas matapos ang pamamaril.
Samantala, stable na ang kondisyon ni Lomente matapos sumailalim sa operasyon, sanhi ng tama ng bala sa gilid ng ulo, ayon sa Agusan del Sur Provincial Police Office. VERLIN RUIZ