PULIS NA AKUSADO SA MAGUINDANAO MASSACRE SUMUKO

Grace Madayag

MAGUINDANAO – SUMUKO sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) Regional Field Unit sa Pagalungan ang isang pulis na akusado sa 2009 Maguindanao Massacre.

Ayon kay PNP CIDG Spokesperson, Lt. Col Grace Madayag, ang sumukong suspek ay kinilalang si  Patrolman Ysmael Baraquir.

Aniya, sumuko ito alas-7:23 ng gabi noong Martes sa Brgy. Linandangan.

Si Baraquir ay may warrant of arrest dahil sa kasong 56 counts of murder kaugnay sa Maguindanao Massacre noong 2009.

Sinabi naman ni CIDG Acting Director, Brig Gen Joel Napoleon Coronel na si Baraquir ay kasama rin sa national level most wanted persons. REA SARMIENTO

One thought on “PULIS NA AKUSADO SA MAGUINDANAO MASSACRE SUMUKO”

Comments are closed.