ILILIPAT ng assignment ang mga pulis na ayaw magpabakuna kontra COVID-19.
Ipinaliwanag ni Philippine National Police Chief Police General Dionardo Carlos ang kanilang “no jab, no work policy.”
Aniya , iginagalang nila ang karapatan ng mga pulis na ayaw magpabakuna laban sa COVID 19 at hindi naman nila ito pililitin.
Gayunpaman, ililipat lang ng assignment ang mga pulis na hindi bakunado sa low risk na trabaho.
Kasama rito ang pagbibigay sa kanila ng administrative work.
Sinabi pa ni PNP Chief, on duty status pa rin ang mga pulis na hindi bakunado pero hindi na sila itatalaga sa mga local police station.
Gayundin, papayagan naman silang makapasok sa kampo subalit depende sa sitwasyon.
Batay sa ulat ng PNP Health Service, halos lahat ng mga pulis ay bakunado na maliban na lang sa 1, 808 na tauhan.
Mayroong 299 ang ayaw magpabakuna dahil sa medical reason, 194 dahil sa allergies at ang nalalabi naman ay buntis at dahil sa religious belief. REA SARMIENTO