PULIS NA BAKUNADO LAMPAS NA SA 2K

MAITUTURING na matagumpay ang vaccination rollout sa Phi­lippine National Police (PNP) makaraang maitala ng Administrative Support to CO­VID-19 Operations Task Force (ASCOTF) ang mahigit 2,000 na pulis na nagpabakuna kontra COVID-19 gamit ang Sinovac at AstraZeneca.

Sa datos ng ASCOTF, nasa 2, 070 na ang tauhan ng PNP partikular ang health workers ang nabakunahan hanggang noong Marso 18 mula sa kabuuang 2219 na nagparehistro.

Sa ulat ni PNP Officer in Charge, PLt. Gen. Guillermo Eleazar, 1772 sa mga nagpabakuna ang tinurukan ng Sinovac vaccine; habang 298 naman ang Astrazeneca.

Karamihan sa mga nabakunahan ay mula sa National Headquarters o sa Camp Crame, na tinurukan mula sa alokasyon ng PNP na 2,400 dose ng Sinovac at 700 dose ng Astrazeneca.

Siyamnapu’t siyam naman na tauhan naman ng PNP sa Cordillera Autonomous Region, Region 4A, Region 7 at Region 11 ang nabakunahan mula sa supply ng PNP, Local Government Unit, at Department of Health.

Hanggang noong Huwebes ay 88 lang sa mga nabakunahan ang nakaranas ng minor adverse effect, na agad ding lumipas.EUNICE CELARIO

One thought on “PULIS NA BAKUNADO LAMPAS NA SA 2K”

Comments are closed.