CAMP CRAME-SUMAMPA na sa 109 ang bilang ng mga pulis na dinapuan ng coronavirus disease (COVID-19) makaraang madagdag ang apat na nagpositibo sa naturang sakit.
Sinabi ni PNP Health Service Director PBrig. Gen. Herminio Tadeo Jr. na ang ang mga bagong confirmed COVID-19 cases ay 35-anyos na babaeng pulis, 32-anyos na lalaki, 39-anyos na babae at 45-anyos na lalaki na lahat ay naka-assign sa Metro Manila.
Labimpito naman sa dinapuan ng sakit ay nakarekober na habang wala namang nadagdag sa tatlong nasawi.
Tatlundaan at animnapu’t siyam (369) naman ang nasa kategorya ng Probable Person Under Investigation (PUIs) habang ang 375 ay suspected person under inves-tigation (PUIs).
Sa kabuuang 1,050 na pulis na apektado, kabilang ang 335 probable PUIs, 713 suspected PUIs at dalawang confirmed patients ang nakakompleto ng self quarantine sa ilalim ng strict monitoring and observation ng PNP doctors.
Tatlumpu’t pitong pulis na PUIs naman ang nasa pangangalaga ng NHQ PNP COVID-19 Patient Care sa Kiangan Billeting Center.
Tiniyak naman ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na ginagawa nila ang lahat para pigilan ang paglaki ng kaso ng COVID-19 sa kapulisan. EUNICE C.
Comments are closed.