PULIS NA KUMUKUHA NG LARAWAN SAPOL NG TRUCK

RIZAL -PATAY ang isang tauhan ng Rizal PNP na nag-selfie nang masapol ng cargo truck na bumitaw sa 10-wheeler kamakalawa ng umaga sa Tanay.

Kinilala ni P/Lt. Col. Resty Damaso, hepe ng pulisya ang biktima na si PCpl. Kirk Dauglas Tolentino, nakatalaga sa Cainta Municipal Police Station, habang inaresto ang driver na si Dante Yarcia Sarmiento.

Base sa imbestigaston ni Pat. Danilo Morales Jr., dakong alas-7:30 ng umaga kamakalawa nangyari ang aksidente sa kurbadang bahagi ng Sitio Bayucan, Brgy., Sampaloc.

Lumilitaw sa imbestigasyon, kumuha ng view photo na overlooking sa lugar ang biktima kasama ang backrider nito na namahinga mula sa mahabang biyahe nang masapol ng 10- wheeler na minamaneho ng suspek na nawalan ng preno at nag-overtake sa kurbadang bahagi pababa sa lugar.

Durog ang katawan ng biktima at tumaob naman ang cargo truck na hatak-hatak ng 10 wheeler na napigtal ang lock.

Samantala nakapiit na sa detention cell ng Tanay PNP ang suspek na nakunan pa ng ilang shabu paraphernalia tulad ng alluminum foil at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property. ELMA MORALES

54 thoughts on “PULIS NA KUMUKUHA NG LARAWAN SAPOL NG TRUCK”

Comments are closed.