PULIS NA NAGMA-MAHJONG LAYA NA

Mahjong

AGUSAN DEL NORTE – LAYA na ang isang opisyal ng pulisya matapos itong masampahan ng kaso nang mahu­ling nasa lugar na may nagma-mahjong sa inilunsad na operasyon ng kaniyang kabaro sa bayan ng Buenavista.

Kinilala ni Captain Junel Gultiano, officer in charge ng Buenavista Muncipal Police Station, ang nakasuhang opisyal na si alyas Mahistrado, hepe ng isang municipal police.

Ayon kay Gultiano, kasama si Mahistrado sa anim katao na hinuli dahil nasa premises ito ng mga nagma-mahjong kung kaya’t kaagad itong sinampahan ng kasong illegal gambling sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Ngunit sa ipinalabas na resolution ni Assistant Provincial Prosecutor Joseph Romano sa kautusan ni Provincial Prosecutor Judge Danny Serrano, pinalaya ito dahil sa “lack of merit.“ PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM