PULIS NA NAGMAMANDO SA QUARANTINE, SAPAT — GEN. GAMBOA

Gamboa

CAMP CRAME-KUMPIYANSA si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na sapat ang puwersa ng pulis na itinalaga sa mga quarantine checkpoint.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga nahawahan ng coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang hanay.

Sa datos ng PNP as of July 12, 6PM, umabot sa 1,089 pulis ang nagpositibo sa coronavirus na karamihan ay nakatalaga sa mga checkpoint.

Ang nasabing bilang ay maliit lamang na porsiyento kumpara sa kabuuang bilang nila na 209,000.

Ayon kay Gamboa, tuloy-tuloy ang deployment at redeployment ng mga PNP personnel sa iba’t ibang lugar.

“Nevertheless, after ma-test, usual protocol kapag nag-positive ka mag-observe ka ng 14-day quarantine and then i-test ka ulit… I think twice and then kapag cleared ka pinapa-rest pa rin yata ng mga 7 to 10 days before you go back to duty,” ayon kay Gamboa.

Nakapagtala rin ang PNP ng 500 recoveries habang siyam ang naitalang namatay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.