PULIS NA NAGPAPATAY SA FOREST RANGER TIKLO

patay

NUEVA ECIJA – MATAPOS ang malalimang imbestigasyon at follow-up operation, nakilala at nadakip na ng mga operatiba ng San Jose City Police ang utak sa pagpatay sa forest ranger.

Sa report ni Lt. Col. Heryl Bruno, kinilala ang nadakip na si alyas Corporal,  miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force na nakabase sa Brgy. San Juan, San Jose City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nadakip si Corporal makaraang umamin sa partisipasyon ang nadakip na si Eugene Cayabyab, 46-anyos, illegal logger.

Habang napatay naman ang triggerman na si  Ariel Andrade, alyas Amber, ng Sitio Masiway Brgy, Sampaloc Pantabangan.

Ayon kay Cayabyab, inutusan sila ng mastermind na iligpit o patayin si Ronaldo Corpuz 43, forest ranger ng DENR ng Zone 6, Brgy. Villa Joson.

Aniya, bago ang pagpaslang, nag-inuman muna sila noong Oktubre 26 ng hapon, at ganap na alas-7:30 ng gabi nang itumba nila si Corpuz.

Matapos ang pamamaril, agad din nilang ibinalik ang ginamit na baril kay Corporal na ibinaon sa compound ng mastermind na na­rekober ng awtoridad. THONY ARCENAL

Comments are closed.