PULIS NA NAMATAY SA COVID-19, 87 NA

UMABOT na sa 87 ang pulis na nasawi dahil sa COVID 19.

Ito ay matapos na may panibagong pulis ang binawian ng buhay dahil sa virus.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ang nasawing pulis ay 43-anyos, may ranggong Police Staff Master Sergeant na namatay alas-5 ng hapon sa Casimiro Ynares, Sr. Quarantine Facility sa Montalban Rizal nitong Sabado.

Agosto 4 nang magsimula siyang makaranas ng sintomas ng COVID 19 katulad ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy, ubo at sipon kaya agad nagpa-antigen test at RT PCR Swab test.

Habang nasa loob ng quarantine facility ay minomonitor ito ng mga tauhan ng Navotas Station Health Unit at nitong Agosto 6, hindi na sumasagot sa tawag at messages ang pulis.

Agosto 7, tumawag ang asawa ng pulis sa Navotas City PNP at sinabing patay na ang kanyang asawa.
Sinabi ni PNP Chief nakikiramay ang buong PNP sa pamilya ng nasawing pulis at tiniyak na mabibigyan ito ng financial assistance.

Sa ngayon,umaabot na sa 31, 497 PNP personnel ang infected ng COVID 19 kung saan 1,673 dito ay active cases.

Nasa 29,737 naman ang kabuuang recoveries sa hanay ng PNP. REA SARMIENTO

9 thoughts on “PULIS NA NAMATAY SA COVID-19, 87 NA”

  1. 42000 713440This is the fitting weblog for anybody who desires to uncover out about this topic. You notice a whole lot its almost onerous to argue with you (not that I truly would wantHaHa). You undoubtedly put a brand new spin on a subject thats been written about for years. Nice stuff, basically fantastic! 791292

  2. 17888 802350Hello, Neat post. There is an problem along with your website in internet explorer, could test thisK IE nonetheless is the marketplace leader and a huge portion of other individuals will miss your magnificent writing because of this difficulty. 644040

Comments are closed.