ISABELA – MAKARAANG gawaran ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ng Medalya ng Kadakilaan noong Martes, dinalaw naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labi ni Chief Ins. Michael Angelo Tubaña at nakiramay sa naulilang misis nito na si Joana at anak.
Ang labi ni Tubaña ay dinala sa Isabela Police Provincial Office upang matunghayan ng punong ehekutibo.
Pasado alas-4:00 ng hapon nang dumating sa lalawigan ang Pangulo na sinalubong naman ni Police Region 2 Director, Chief Supt. Jose Mario Espino.
Ayon sa ama ni Tubaña, binigyan ng cash assistance at pangkabuhayan package ng pangulo ang mga naulila ng police official.
Tiniyak din ni Presidente Duterte na makakapasok sa pagkapulis ang kapatid ni Tubaña.
Magugunitang noong Linggo ng gabi ay pinangunahan ni Tubaña ang anti-illegal drug operations kung saan dalawang suspek ang nakapatay sa kanya.
Nangako ang pangulo sa mga naulila ng nasabing opisyal ng pulisya na ibibigay lahat ng benipisyo na dapat matanggap ng mga ito sa lalong madaling panahon. IRENE GONZALES
Comments are closed.