CAMP CRAME – UMAKYAT na sa 50 ang mga pulis ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID 19).
Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac batay na rin sa ulat ng Philippine Health Service.
Aniya, 21 pulis ang nadagdag sa mga kumpirmadong positibo sa COVID -19 kaya umaabot na sa 50 ang kabuuang bilang na pulis na positibo sa coronavirus.
Lahat ng mga pulis na nagpositibo ay nakatalalaga sa Metro Manila.
Samantala apat na pulis naman na positibo sa COVID -19 ang gumaling na.
Umabot sa 254 na mga pulis naman ang ikinokonsiderang probable o dating tinawag na Person Under Investigation habang 348 na pulis ang Suspected o Persons Under Monitoring. REA SARMIENTO
Comments are closed.