CAMP CRAME-GIGIL na si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar sa pagkakahuli ng isa niyang tauhan sa pamamagitan ng entrapment operations bunsod ng robbery extortion.
Isinagawa ang entrapment operations laban kay PSST Joel Bunagan, 37-anyos ng North Fairview, Quezon City ng mga operatiba ng PNP-Integrated Monitoring and Enforcement Group sa Brgy 175 Camarin, Caloocan City
Sa impormasyon mula sa PNP-IMEG, nag ugat ang operasyon sa impormasyon na nanghihingi ng malaking halaga ng pera ang suspek na si Bunagan sa mga nais maging pulis na aabot sa P100,000.
Nakuha mula sa suspek ang boodle money na P73,000, mahigit P3,000, cellphone at ang gamit niyang motorsiklo.
Bukod sa kasong kriminal, mahaharap din sa kasong administratibo ang suspek.
Noong Mayo 27 ay sinimulan na ng PNP ang recruitment sa mahigit 17,000 patrolmen at patrolwomen gamit ang Nameless, Faceless Recruitment Process upang maiwasan ang Padrino o palakasan system.
Nagbabala pa si Eleazar sa mga hihingi ng suhol n mga pulis dahil nais niyang mabigyan ng pantay-pantay na tiyansa ang mga qualified applicant.
“Inaalam natin kung paano nanatili pa sa serbisyo ang ungas na pulis na ito. Tutukuyin natin kung sino ang mga kasabwat ng Bunagan na iyan at kanyang mga nilapitan para ‘di masibak sa pwesto. Dapat magsama-sama sila sa kulungan,” galit na pahayag ni Eleazar. EUNICE CELARIO
264461 787974OK 1st take a good appear at your self. What do you like what do you not like so considerably. Function on that which you do not like. But do not listen to other folks their opinions do not matter only yours does. Function on having the attitude that this is who you are and if they dont like it they can go to hell. 566585
10312 49262I feel other site proprietors need to take this internet site as an example , quite clean and great user genial style . 646833