PULIS NA SABUNGERO NAAKTUHANG PUMUPUSTA HULI

Sabong

CAGAYAN – ISANG miyembro ng pulis ang agad na sinibak matapos na maaktuhang pumupusta sa isang sabungan sa kasagsagan ng malakas na hiyawan ng mga sabungero sa  Barangay Bulala, Camalaniugan.

Ayon kay P/Capt. Ali Bacuyag, hepe ng Calamaniugan Police Station, matagal na umano nilang sinusu­baybayan si Patrolman Agustin Murelio, kasapi ng 203rd Manuever Company na nakabase sa Lallo, Cagayan.

Ilang concerned citizen ang nagsabing nakikita nila umano si Murelio sa mga sabu­ngan kung saan ay madalas sa bayan ng Lallo Cockpit Arena kaya naman naaktuhan siya ng mga miyembro ng Counter Intelligence Task Force sa loob mismo ng sabungan habang pumupusta ito.

Kaagad na sinampahan ng kasong paglabag sa gun ban si Murelio matapos na makuha sa baywang ang kanyang issued firearm.

Sinabi pa ni hepe Bacuyag na nasa Police Regional Office 2 ngayon si Murelio para naman sa pagsasampa sa kanya ng kasong administratibo dahil sa paglabag sa kautusan na pagbabawal sa mga pulis na pumunta sa mga sabungan at mga katulad na mga establisimiyento.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na ang pinakamabigat na parusa sa mga pulis na mahuhuli sa mga sabungan o iba pang pasugalan ay dismissal. IRENE GONZALES

Comments are closed.